Lunes, Enero 24, 2022

Ang tunay na daan patungo sa langit

Saan ang daan patungo sa langit?

"Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG DAAN...sino man ay di makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko." (Juan 14:6)

Aling Iglesia o Relihiyon ang makapagliligtas sa akin?
- walang Iglesia o Relihiyon na makapagliligtas sa iyo.

Sino kung gayon ang makapagliligtas sa akin?
- si Hesus! Siya lamang ang tanging makapagliligtas sa iyo sa kasalanan.
" Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan." (Mateo 1:21)
"Ipinagtatagubilin ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay dahil sa atin." (Roma 5:8)

Wala bang ibang daang patungo sa langit?
"Sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas." (Mga gawa 4:12)

Nguni't ako'y anak ng mga taong makadiyos!
"Sumagot si Hesus... katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Diyos." (Juan 3:3)

Bakit kailangan na ang isang makasalanan ay ipanganak na muli?
"Ang ipinanganak ng laman ay laman nga;" (Juan 3:6)
"Ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos ."(1 taga Corinto 15:50)
"Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya nakapasok sa kaharian ng Diyos."(Juan 3:5)

Paano ako maaring ipanganak na muli?
"Mangagsisi kayo, at mangagbautismo...sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan." (Mga gawa 2:38)
"Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pag-iisip; at manumbalik siya sa Panginoon... sapagka't siya'y magpapatawag ng sagana." (Isaias 55:7)

Nangangamba ako na ang mga kasalanan ko ay sukdulan sa sama!
"Magsiparito kayo ngayon,...bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balhibo ng tupa." (Isaias 1:18)

Ibabalik ba sa akin ang aking mga kasalanan upang ako'y gambalaing muli?
"Aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin."( Jeremias 31:34)

Paano ko masusumpungan si Jesus?
"Ang Panginoon ay malapit sa kanila May bagbag na puso, at iniligtas ang mga May pagsisisi ng diwa" (Awit 34:18)
"Inyong hanapin ang panginoon samantalang siya'y masusumpungan" (Isaias 55:6)

Diringgin ba niya ako sa aking pagtawag?
"Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y Sasa kaniya sa kabagbagan: aking ililigtas siya" (Awit 91:15-16)

Natitiyak mo bang ako'y tatanggapin ng Panginoon?
-Sinabi ni Jesus; "Ang lumapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy" (Juan 6:37)
"Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpahingahin." (Mateo 11:28)

Panalangin ng Pagsisisi:
        Amang Banal, Ako po ay lumalapit ng May pagpapakumbaba sa inyong harapan at humihingi ng kapatawaran sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po si Kristo Hesus sa aking buhay upang siya na ang manguna at mag may-ari nito sapagkat sa kaniya lamang May buhay na walang hanggan.
Marami Pong Salamat. Ito po ang aking panalangin sa Pangalan ni Hesus, Amen.